Rep. Eddie Villanueva, haharangin ang pagpapasa ng SOGIE Bill sa Kamara; nagbibigay lamang ng espesyal na pagtrato sa LGBT

Iginiit ni Citizen’s Battle Against Corruption (CIBAC) Partylist Rep. Bro. Eddie Villanueva na hindi dapat gamitin ang insidente sa pagitan ng transgender na si Gretchen Diez at ng isang janitress sa Farmers Plaza sa Quezon City para madaliin ang pagpapasa ng Sexual Orientation and Gender and Identity Expression (SOGIE) Equality Bill sa Kamara.

Sa privilege speech sa Kamara ni Villanueva, dapat na mahimay ng mabuti ang nilalaman ng SOGIE Bill at isaalang-alang ang karapatan ng nakakarami.

Nangangamba si Villanueva na sa halip na equality o pagkakapantay-pantay para sa lahat ay “special rights” ang maibibigay sa ilalim ng SOGIE Bill at masasakripisyo ang karapatan ng nakakarami.

“It has given us an actual scenario of what life can be if such a law would exist, bringing us all to seriously consider whether we, as a nation, are willing to accept, hook-line-and-sinker, the philosophy, proposition and penal nature of SOGIE Bill,” ani Villanueva.

Sinabi ni Villanueva na matagal na niyang ipinaglalaban ang karapatan ng kokonti pero hindi umano nangangahulugan na ang pagkuha ng karapatang ito ay dapat makaapak ng ibang karapatan.

“Let it be put to record that this representation is in opposition to SOGIE Bill — that is, in its current form and provisions, which I believe will not promote equality but will, instead, unduly give special rights to some members of our society,” sabi ni Villanueva.

Tinukoy pa ni Villanueva ang ilang mga isyu na nababalot sa SOGIE Bill kabilang dito ang pagbalewala at pag-regulate sa karapatan ng mga magulang na magdesisyon para sa mga anak; banta sa academic freedom; paglimita sa freedom of speech and religion; at panghuli, ang pagkwestyon sa pinaka-foundation ng batas na pagbibigay ng karapatan para sa lahat at hindi lamang base sa paniniwala ng isang indibidwal.

“What if an all-boys school refuses a trans man? Despite having exemplary grades, the trans man is disqualified only because she is still genetically a woman and is unfit to join the school. What if a Catholic school expels a trans woman who insists on cross dressing despite getting a ton of warnings?” ani Villanueva.

“Educational institutions espouse practices and rules that are consistent with their school philosophies and principles,” dagdag pa niya.

Dahil dito, inihain niya ang House Resolution No. 270 para ipatawag sa Kamara sina Honeylea Joy Balili at ang security guard na rumesponde sa naturang insidente na si Meriegen Mauro at ang mga kinatawan ng Farmers Plaza, upang maging patas at maririnig ang kabuuan ng kuwento hindi gaya ng nangyayari na ang ang nag-iingay lamang ay si Diez.

“On hearings and interviews regarding the incident, the woman involved has been markedly absent, her side of the story given little, if any, attention. The woman in the story, who was just doing her job, for the sake of the other women present in that place exclusively for women,” ani Villanueva.

Iginiit pa ni Villanueva na kung may naagrabyadong partido sa naturang insidente ay dapat maghain ng kaso sa korte na siyang magdedesisyon kung sino talaga ang may sala.

Aminado si Villanueva na nakikita niya ang SOGIE Bill na puno ng legal na kahinaan at maraming tanong na hindi masagot tungkol sa social acceptability at feasibility kaya hindi siya papayag na maipasa ito nang walang masusing diskusyon dito para malinawan ang lahat.

“I see the SOGIE Bill as loaded with legal infirmities and unsettling questions on social acceptability and feasibility of implementation that i cannot just let it pass without thorough discussion on what it seeks to address,” saad ni Villanueva.

WATCH: Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva’s Privilege Speech at the House of Representatives