Connect with us

News

Ramon Ang, magpapatayo ng 500-bed hospital para mapaghandaan ang mga darating pang pandemya sa bansa

Nangakong magtatayo ang business tycoon na si Ramon Ang sa Southern Luzon ng ospital na may 500 kama at tututok sa infectious disease research.

Ito aniya ay proyekto ng kanyang kabuuo pa lang na charitable group na RSA Foundation.

Itatayo nina Ang ang naturang pasilidad, sa isang 3 hanggang 5-ektaryang property, para aniya mapaghandaan ng Pilipinas ang mga darating pang pandemya ay krisis sa kalusugan

“This pandemic has been an eye-opener for all of us. Our healthcare system needs to be strengthened. For this reason, we want to help build up our country’s capability to handle future pandemics and other health crises,” ani Ang sa isang press statement sa event ng San Miguel Corp.

“We envision this hospital to be resilient and adaptable. It will operate efficiently, improve health services, and make health care more accessible and affordable to a greater number of Filipinos,” dagdag niya pa.

Pagsisilbihan nitong itatayong ospital ang mga ambulatory o mga outpatient at inaasahang gumamot ng mas maraming pasyente mula sa bulnerableng komunidad.

Magkakaroon din doon ng research center na tutulong sa gobyerno tungkol sa public health concerns lalo na sa mga nakahahawang sakit.

Popondohan ni Ang ang ospital labas pa sa ibang charitable activity ng San Miguel Foundation.

Comments

News

Celine Pialago, sa mga bashers ng white sand project: Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit?

Pinalagan ni Metro Manila Development Authority (MMDA) spokesperson at dating beauty queen, Celine Pialago ang mga kritiko ng Manila Bay ‘white sand’ project.

“Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit? Kahit na alam nating mas delikado sa kalusugan ang basura? Ngayong pinapaganda, lahat nangingialam. Wow, a! Just wow!” pahayag nito sa isang Facebook post.

Punto pa nito na isa ang ahensya nito sa mga naglilinis araw-araw ng basura ng naturang lugar.

“Magko-comment ako, kasi MMDA ang isa sa mga ahensya na araw-araw naglilinis ng basura ng mga balahurang Pinoy at mapanamantalang establisyemento, 30-45 trucks ng basura lang naman ang nakukuha namin noong wala pang rehabilitation sa Manila Bay,” giit ni Pialago.

Saad pa nito na nitong 2019 pa aprubado ang badget para sa naturang proyekto at hindi ito isinabay sa pandemya.

“Saka pwede ba 2019 pa aprubado ang budget para diyan, huwag niyong ipilit na isinabay yan sa panahon ng pandemya,” ani Pialago.

Trending ang komento ni Metro Manila Development Authority Spokesperson Celine Pialago sa Facebook kaugnay sa mga tumutuligsa sa proyektong paglalagay ng white sand sa baybayin ng Manila Bay.

“Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit? Kahit na alam nating mas delikado sa kalusugan ang basura? Ngayong pinapaganda lahat nangingialam? Wow a! Just wow! (emoji angry),” wika ni Pialogo sa kanyang post.

Mababatid na pinuna ng mga netizens kung bakit mas inuna pang pagkagastusan ng ilang milyones ang white sand project kaysa idagdag sa ayuda para sa mga hindi pa nakatanggap ng tulong pinansyal ng gobyerno ngayong panahon ng pandemya.

Ang proyektong ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagkakahalaga ng P389 milyon ay naglalayong pagandahin ang Manila Bay sa paglalagay ng puting buhangin sa baybayin nito.

Comments

Continue Reading

News

Lito Atienza, binanatan ang Manila Bay white sand project: Walang kwenta at aksaya lamang sa pondo

Binanatan ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagpapaganda ng Manila Bay gamit ang synthetic white sand na gawa sa dolomite rock.

Sa pahayag ni Atienza, sinabi nito na ‘worthless’ o walang silbi at aksaya lamang sa pondo ang naturang proyekto dahil aniya’y aanurin lang ang mga buhangin kapag bumagyo.

Saad pa ni Atienza, na dating naging alkalde din ng Maynila at naupo ring DENR secretary, hindi maitatago ang problema sa Manila Bay sa pamamagitan ng naturang beautification project.

“No amount of pretentious face-lifting can change the fact that Manila Bay’s marine and coastal ecosystems are practically dead – because its waters have been overwhelmed by fecal coliform,” lahad ng kongresista.

“Anybody who swims in the bay’s heavily contaminated waters risks exposure to waterborne pathogenic diseases, including viral and bacterial gastroenteritis, hepatitis A, dysentery, typhoid fever and all sorts of infections,” aniya pa

Sa naging panayam sa kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Isko Moreno, sinabi nito na kasama sa plano ng DENR na maglagay ng pader para hindi anurin sa dagat ang pininong dolomite rock.

Mungkahi din ni Moreno na malagyan ng pang-measure ng toxic level ang Manila Bay para malaman kung ano na ang estado ng katubigan dito.

Ayon sa DENR, hindi basta basta matatangay ng dagat ang mga nasabing white sand dahil may gagawin silang “engineering intervention” katulad ng geotube na ilalagay upang maprotektahan ang mga buhangin sa pagtaas ng tubig o bagyo.

Nilinaw din ng DENR na hindi P389-M ang ginastos ng gobyerno para sa paglalagay ng white sand kundi P28-M lamang.

“That already covers the price of dolomite sand, transportation cost, taxes, and other fees. That’s the package of the cost including delivery from Cebu to Manila Bay. It’s not 389 million but 28 million,” ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

Comments

Continue Reading

News

13 TV channel na gagamitin ng DepEd sa pagbabalik-eskwela, babayaran ni Manny Pacquiao

Inihayag ni Senator Manny Pacquiao na sagot na niya ang gastos para sa 13 TV channels para gamitin ng Department of Education (DepEd) ngayong darating na pasukan.

Ayon kay Pacquiao, hindi raw n’ya matiis na mapag-iwanan sa aralin ang mga estudyanteng mahihirap at nasa malayong lugar na hindi kayang bumili ng mga laptop at gadgets para sa online learning.

“Galing ako sa hirap kaya alam ko ang nararamdaman ng mga mag-aaral at mga magulang nila” deklara ni Pacquiao.

“Alam ko rin na hindi pa 100% coverage ‘yang internet natin sa Pilipinas, kaya kahit may pambili ka ng laptop o gadget, hindi ka pa rin nakakasiguro na aabot sa ‘yo ang mga aralin buhat sa DepEd” dagdag pa niya.

Sabi pa ni Pacquiao, sa tulong ng mga nasa industriya ng telecommunications, nagawan ng paraan para may magamit na 13 TV Channels ang DepEd ng walang gastos para sa gobyerno at mga mag-aaral.

“Kaya wala nang dahilan para hindi matuloy ang pag-aaral ng mga bata ngayong darating na pasukan,” lahad pa niya.

“Kung saan ako muntik nang magkulang, maaga kong pupunuan. Napakahalaga ang pag-aaral para sa kinabukasan ng ating mga kabataan,” pagwawakas ni Manny.

Comments

Continue Reading

News

ABS-CBN frequency, puwede nang ialok sa ibang broadcast companies

Puwede ng ibigay sa ibang broadcast companies ang mga frequency ng ABS-CBN matapos mabasura ang franchise renewal ng nasabing network.

Ayon kina House Legislative Franchises Committee Vice Chairmen Jonathan Sy-Alvarado at Mike Defensor pwede nang i-alok ang Kapamilya Network frequencies sa ibang franchise applicants dahil hindi irereserba ng Kongreso ang nasabing frequencies hangga’t makakuha muli ng prangkisa ang media giant.

Sinabi ni Defensor na technically ay naibalik na sa gobyerno ang frequencies ng ABS-CBN.

Inihayag naman ni Alvarado na nakatanggap ng impormasyon ang komite na ilang broadcast companies na ang nagpaabot ng interes sa ABS-CBN frequencies.

Comments

Continue Reading

Trending

    © 2020 PhilNetizen. All Rights Reserved.