Connect with us

News

ABS-CBN frequency, puwede nang ialok sa ibang broadcast companies

Puwede ng ibigay sa ibang broadcast companies ang mga frequency ng ABS-CBN matapos mabasura ang franchise renewal ng nasabing network.

Ayon kina House Legislative Franchises Committee Vice Chairmen Jonathan Sy-Alvarado at Mike Defensor pwede nang i-alok ang Kapamilya Network frequencies sa ibang franchise applicants dahil hindi irereserba ng Kongreso ang nasabing frequencies hangga’t makakuha muli ng prangkisa ang media giant.

Sinabi ni Defensor na technically ay naibalik na sa gobyerno ang frequencies ng ABS-CBN.

Inihayag naman ni Alvarado na nakatanggap ng impormasyon ang komite na ilang broadcast companies na ang nagpaabot ng interes sa ABS-CBN frequencies.

Comments

News

PhilHealth officials na nag-resign dahil sa iregularidad sa ahensya, umakyat na sa 44

Naghain ng courtesy resignation ang isa pang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kasunod ng mga alegasyon ng iregularidad sa ahensya.

Ayon kay PhilHealth Spokesperson Rey Baleña, umabot na sa 44 na opisyal ang nagbitiw sa kanilang pwesto.

“As of late, ang una nating naipahayag ay 43 na.. Nadagdagan ‘yan ng isa pa na nag-file ng courtesy resignation. Lahat-lahat ‘yan ay 44 na,” saad ni Baleña sa isang pahayag sa radyo.

“May isang buwan si Atty. Gierran para aksyonan ang nasabing mga courtesy resignation,” aniya.

Matatandaang naglabas ng memo si PhilHealth President Dante Gierran kung saan inaatasan ang lahat ng senior officers na may Salary Grade 26 at pataas na magpasa ng kanilang courtesy resignation.

Paglilinaw ni Baleña, magiging epektibo lamang ang courtesy resignations kapag tinanggap na ito ni Gierran.

Dagdag pa ni Baleña, ang pagkakatalaga kay Gierran ay nakakadagdag sa morale ng mga empleyado sa PhilHealth.

“Kamakailan nga, nagpatupad na siya ng rotation ng mga regional vice president, bahagi na ‘yan. Kamakailan ay in-order na rin niya ang mga regional vice president na i-profile ang lahat ng mga ospital, pasilidad at mga healthcare professional. Bahagi na ito, nagsisimula na itong mga anti-fraud measure na bahagi ng kanyang programa,” lahad nito.

Comments

Continue Reading

News

Enchong Dee, binanatan si MMDA Spox Celine Pialago; dinepensahan ang aktibistang si Reina Nasino

Tila umepal ang aktor na si Enchong Dee sa kontrobersiyal na pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson at Assistant Secretary Celine Pialago hinggil sa tinawag nitong `dramaserye’ na libing sa sanggol ng aktibistang si Reina Mae Nasino.

Sa kanyang Twitter post, inihayag ni Enchong ang galit sa naging komento ni Pialago na nag-trending sa social media.

“This person is Heartless and Unintelligent. Ilagay mo ang sarili mo sa kalagayan ng isang ina at mangyari to sayo. Bilang isang tao. ok lang talaga sayo?” banat ng aktor kay Pialago.

Kamakailan ay binanatan ni Pialago ang mga nagtatanggol kay Nasino dahil aniya, hindi naman lahat ng nakulong ay nabibigyan ng pagkakataon na madalaw ang kanilang anak sa burol.

Pinapatigil din niya ang mga ito na gawing ‘dramaserye sa hapon’ ang pagluluksa ni Nasino,

“Kaya ‘yung mga sumisimpatya kay Reina Mae Nasino, pag-aralan niyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin niyong mabuti kung sino siya sa lipunan,” banat pa ni Pialago.

Comments

Continue Reading

News

MMDA spox Celine Pialago, binanatan ang mga sumisimpatya sa aktibistang nahulihan ng baril at granada

Binanatan ni Metro Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago ang mga sumisimpatya sa aktibistang si Reina Mae Nasino na nahulihan ng baril at granada noong nakaraang taon.

Sa Facebook post ni Pialago, giniit nito na hindi lahat ng mga nakakulong ay nakakadalaw sa libing ng kanilang anak.

“Kaya ‘yung mga sumisimpatya kay Reina Mae Nasino, pag-aralan niyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin niyong mabuti kung sino siya sa lipunan,” saad ni Pialago.

Giit pa nito, “Masyado niyong ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya (Nasino).”

Nagpaliwanag naman si Pialago na 70 ang admin ng kanyang Facebook page at hindi siya ang nagbura ng post patungkol kay Nasino.

Paliwanag ni Pialago, may admin ng kanyang Facebook page ang aksidenteng nakabura ng naturang post at hindi niya intensyon na mabura ito sa kabila ng banat ng mga basher.

Nobyembre 2019 nang maaresto si Nasino (Kadamay) kasama sina Ram Carlo Pacul­ba Bautista ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) at Alma Estrada Moran (Manila Workers Unity), matapos ang isinagawang raid ng Manila Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Tondo, Maynila.

Pinararatangan ang mga nabanggit na nakuhanan ng ilang baril, bala at dalawang granada, bagay na itinanim lang daw sabi ng grupong Karapatan.

Comments

Continue Reading

News

Leni Robredo, dinepensahan ang aktibistang preso na nahulihan ng baril at granada

Nilarawan ni Vice President Leni Robredo na ‘overkill’ ang ginawang pagbantay ng lampas 40 jail officer sa libing ng anak ni aktibistang preso na si Reina Mae Nasino sa Manila North Cemetery noong Oktubre 16.

Saad ni Robredo sa kanyang programa sa radyo, parawang nawala ang pagiging makatao sa nangyari sa libing ng anak ng aktibista, kung saan nakaposas ang kamay ni Nasino habang kasama ang kanyang anak sa huli nitong sandali.

“Are we not mothers, parents too to understand? What we don’t understand is how there was no humanity and the response given was totally unnecessary,” an i Robredo.

“Para sa akin, parang masyadong overkill. Nasaan iyong humanity natin doon, ‘di ba?” giit ni Robredo.

“Hindi ko talaga maintindihan, kasi parang nawawala na iyong humanity sa atin. Parang totally unnecessary iyong klase ng response na binigay natin,” aniya pa.

Saad pa ni Robredo, nakita ang pagkakaroon ng pribilehiyo ng ilang tao na iba ang trato kapag nabibigyan ng furlough para mabisita ang kanilang yumaong mahal sa buhay.

“Hindi pantay iyong pagbigay ng pag-intindi, hindi pantay iyong pagbigay ng privileges sa mga mayroon kaysa sa wala. Nakikita natin ito. Ang daming personalities na binigyan ng pribilehiyo,” lahad pa ni Robredo.

Nobyembre noong nakaraang taon nang arestuhin si Nasino at iba pang aktibista matapos i-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malawakang crackdown sa mga leftist group.

Nakuhanan ng ilang baril, bala at dalawang granada Nasino, pero giit ng kanyang kampo, tinaniman sila ng ebidensya ng pulisya.

Comments

Continue Reading

Trending

    © 2020 PhilNetizen. All Rights Reserved.