REAL HERO! Lineman, patay matapos makuryente habang inaayos ang kuryente sa lugar na apektado ng Bagyong Odette

Isang lineman ang nasawi nang mahawakan ang live wire habang sinusubukan nitong ibalik ang suplay ng kuryente na sinira ng bagyong Odette sa Tanjay, Negros Oriental.

Kinilala ang biktima na si Ronald Gallarde, isang trimmer ng Negros Oriental Electric Cooperative (NORECO) II Tanjay City sub-office.

Sa ulat, tina-tap umano ni Gallarde ang isang service drop wire nang aksidenteng makuryente na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Ang mga power supply interruptions ay bunga ng pananalasa ni bagyong Odette kung saan nag-landfall ito sa bayan ng La Libertad sa Negros Oriental noong Disyembre 17.