Cebu City Mayor Mike Rama, hihingi ng P5B kay Pangulong Duterte para makabangon sa pinsala ng Bagyong Odette: If we have the money, I guarantee no corruption.

Hihingi ng 5 bilyon kay Pangulong Rodrigo Duterte si Cebu City Mayor Michael Rama para matulungang makabangon ang Cebu City dahil sa matinding pinsala dulot ng bagyong Odette noong Disyembre 16.

“Mr. President our estimated damage is P1.7 billion, but we can only cover P1 billion. Can you give us P5 billion? If we have the money, I guarantee, no corruption,” sabi ni Rama.

“What help can Malacañang give to Cebu City? Mr. President, please pressure power. You were right about water. Please, under my mayorship, give us billions so we can start addressing the solution to power and water. He knows that,” dagdag pa ni Rama. 

Samantala, ipinag-utos na ng Pangulo ang pagre-release ng 1 bilyon pondo para sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.

Ayon kay Department of Budget and Management Officer-In-Charge Undersecretary Tina Canda, maaari nang ma-download ito ngayong araw.

Ibabawas aniya ito sa contingent fund ng Office of the President at ilalaan para sa mga apektadong rehiyon sa:

• Region 4B (MIMAROPA)
• Region 6 (Western Visayas)
• Region 7 (Central Visayas)
• Region 8 (Eastern Visayas)
• Region 10 (Northern Mindanao)
• at Region 13 (CARAGA Region)

Pinayuhan din ng Pangulo ang mga survivor ng Bagyong Odette na tandaan kung sino ang mga politikong hindi tumulong sa kanila sa oras ng sakuna.