LPA na posibleng maging Typhoon Paolo, papasok sa bansa sa Disyembre 23 o 24

Naniniwala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) na malaki ang tiyansa na maging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa Pacific Ocean.

Giit ng weather bureau na may 30 hanggang 40 porsyentong posibilidad na maging bagyo ang LPA at pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Disyembre 23 o sa 24.

Kapag naging ganap na bagyo, papangalanan itong Paolo.

At magiging mas malapit ang LPA sa Mindanao sa ika-26 ng Disyembre, dagdag pa ng PAGASA.

Pinayuhan naman ng PAGASA ang publiko na maghanda.

“Based from all available data today, PAGASA is monitoring a low-pressure area (LPA) over the Pacific that is expected to enter the PAR on the 23rd or 24th of December. It will be closest to the landmass of Mindanao on the evening of 25th or morning of 26th of December. This LPA has 30-40% chance to develop into a tropical depression. In this regard, the public is advised to undertake precautionary measures, continue monitoring for updates and remain vigilant against unofficial information coming from unverified sources,” pahayag ng PAG-ASA.