Tito Sotto sa COMELEC hacking incident: It does not exist. Naniniwala ako na isang fake news.

Naniniwala si Senate President Tito Sotto na isang fake news ang napaulat na pangha-hack sa systems ng Commission on Elections (COMELEC) kamakailan lang kung saan umano’y natangay ng mga hacker ang mahahalagang impormasyong may kaugnayan sa eleksyon.

Dagdag pa ni Sotto, may mga tao sila na nagbabantay sa COMELEC na makakapagpatunay na walang nangyayaring hacking sa komisyon at mismong kinumpirma rin aniya ito ng mga opisyal ng COMELEC.

Ipinunto din ni Sotto na kung tunay na hacker ang nagsagawa noon, hindi aniya dapat nagpakilala ang mga yun.

Gayunman, suportado ni Sotto kung sakali mang magkaroon ng imbestigasyon ang senador hinggil sa insidente, ngunit binigyang-diin na sa panig niya ay napatunayan na nilang fake news ang naturang balita.

Noong Lunes, Enero 10, ipinaalam ng tech team ng Manila Bulletin sa COMELEC na maaaring nakompromiso ang sensitibong impormasyon ng mga botante matapos umanong ilegal na pasukin ng isang grupo ng mga hacker ang kanilang mga server upang mag-download ng higit sa 60 gigabytes ng impormasyon na maaaring makaapekto sa 2022 national elections.

PANOORIN ANG BUONG PANAYAM: