fbpx
≡ Menu

Leni Robredo, binisita ang 22 mangingisda sa Recto Bank incident at nagbigay ng P50,000 tulong pinansyal

Leni Robredo, binisita ang 22 mangingisda sa Recto Bank incident at nagbigay ng P50,000 tulong pinansyal

Binisita ni Vice President Leni Robredo ang mga mangingisda ng F/B Gem-Ver 1, ang bangkang lumubog matapos umano banggain ng Chinese vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea noong Hunyo 9.

Dumating si Robredo sa San Jose, Occidental Mindoro, para tingnan ang kalagayan ng mga mangingisda na inayudahan ng Duterte administration na binigyan ng tig-P45,000, bagong bangka, pagkain, scholarships para sa kanilang mga anak at livelihood.

Ayon kay Junel Insigne, ang kapitan ng barko, ikinuwento nila ang kanilang naranasan sa sinabi ni Pangulong Duterte na ‘little maritime incident’ ang nangyari sa kanila.

Hindi umano nagsasalita si Robredo at nakikinig lang sa kanilang kwento.

Binigyan din ng tig-P50,000 ni Robredo ang 22 na mangingisda na nagmula umano sa anti-poverty program na “Angat Buhay” ng Office of the Vice President.

Matapos ang pakikipag-usap sa mga mangingisda, nagtungo na si Robredo sa munisipyo kasama si Mayor Romulo Festin.