≡ Menu

Freddie Aguilar, hindi makakapag-ambag sa batas ni Pangulong Duterte

Pumiyok si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi makakapag-ambag sa batas ang singer na si Freddie Aguilar.

Si Aguilar ay tumatakbong senador sa halalan sa Mayo.

Subalit, biglang bwelta naman ang Pangulo sa pagsasabing makakatulong naman si Aguilar sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

“He can contribute to the Filipino way of life. Hindi nga siguro sa batas, pero makakatulong itong tao na ito, I assure you,” ayon sa Pangulo.

Sa katunayan, hanga siya sa “logical mind” ni Aguilar base na rin sa mga makabuluhan nitong lyrics at fluency sa English kahit pa karamihan ng mga hit song nito ay Filipino.

“He’s a very, very, bright gentleman. You know, hamunin ko kayo. ‘Yung maggawa ka ng kanta, dito lang ‘yan eh. Tapos i-rhyme nila, tapos may isang sentence na rhyme nila, magsulat sila ng words rel — lyrics. Tapos i-combine nila ‘yan sa tarararan hanggang maging kanta. Kung makagawa ka ng ganyan mautak ka talaga. You must have a very good logic,” ani Pangulong Duterte.

At kung ikukumpara aniya si Aguilar kina Gary Alejano, Chel Diokno, Florin Hilbay, Romy Macalintal at Erin Tañada ay di hamak aniya namas magaling si Aguilar dahil wala umanong nagawa ang mga opposition candidate para mapasaya ang mga Filipino.