fbpx
≡ Menu

Ex-DFA Secretary ni Noynoy Aquino, hinarang sa Hong Kong International Airport

Ex-DFA Secretary ni Noynoy Aquino, hinarang sa Hong Kong International Airport

Hinarang sa Immigration sa Hong Kong International Airport si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert Del Rosario.

Ayon kay Consul General Antonio Morales, isinasailam ngayon si Del Rosario sa pagtatanong ng Hong Kong authorities.

Matatandaang si Del Rosario ay kabilang sa nagsampa ng kaso sa International Criminal Court (ICC) laban kay Chinese President Xi Jinping noong Marso.

Nagtungo sa Hong Kong si Del Rosario para dumalo sa shareholders meetings ng First Pacific.

Matatandaan na hinarang din si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Hong Kong International Airport.

Binawalang makapasok si Carpio sa Hong Kong dahil sa pagiging ‘security threat’ sa nasabing bansa.