fbpx
≡ Menu

Eddie Garcia, nagkamalay na matapos ma-coma sa taping ng isang telenovela; kasalukuyang nasa critical observation

Eddie Garcia, nagkamalay na matapos ma-coma sa taping ng isang telenovela; kasalukuyang nasa critical observation

Nagkamalay na umano ang beteranong aktor na si Eddie Garcia matapos ma-comatose sa set ng Rosang Agimat na nagsisilbing comeback project niya sa GMA-7.

Sa larawan na ibinahagi ni Glaysa Apoya ay makikita ang aktor na sama-samang binuhat ng mga production staff.

Itinakbo si Manoy Eddie sa Mary Johnston Hospital sa Tondo at kalaunan ay inilipat sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City.

Natumba ang beteranong aktor at nawalan ng malay dahil sa matinding init sa set ng taping.

Ayon sa pahayag ng kaniyang pamilya, dumanas ang aktor ng “severe heart attack” at kasalukuyang nasa critical observation.

Huling napanood si Manoy Eddie Garcia sa longest-running teleserye ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Don Emilio, isa sa mga kontrabida sa buhay ni Cardo na ginagampanan naman ni Coco Martin.

Ang Rosang Agimat ay ang upcoming GMA series na pinagbibidahan ni Gabbi Garcia kasama sina Chanda Romero, Tonton Gutierrez, Thea Tolentino, Gil Cuerva, Jeric Gonzales, Kristoffer Martin, Luz Valdez, Aubrey Miles, Victor Neri, Roi Vinzon at Betong Sumaya.