‘Run, Sara, Run’ tarpaulins ni Mayor Sara Duterte sa Davao City at Metro Manila, hindi paglabag sa batas

Naniniwala ang Commission on Elections (Comelec) na walang paglabag sa batas ang mga nakapaskil na tarpaulins na may nakalagay na “Run, Sara, Run” sa iba’t ibang bahagi ng Davao City at Metro Manila..

Ito ay ayon mismo kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Hinihikayat ng mga tarpaulins na tumakbo sa pagkapangulo si presidential daughter Davao City Mayor Sara Duterte sa 2022 national elections.

“Advertisements or posters of potential candidates are not violations because it is not election period.,” sabi ni Guanzon.

Samantala, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na kahit pa tinutulak nitong mga tarp ang pagkapanalo ng isang posibleng tatakbo, “hindi ito aabot” sa ligal na kahulugan ng pangangampanya, kaya hindi ito maituturing na paglabag.

“Those tarpaulins do seek to promote the electoral win of Mayor Duterte, but she herself isn’t a candidate yet. This means that although many would consider it a form of campaigning, it would actually fall short of the legal definition of campaigning, let alone premature campaigning,” ani Jimenez sa mga reporter.

“Therefore, there appears to be no violation of election laws or campaign rules. Anyone, in fact, can do the same thing,” dagdag niya.

Ang campaign period para sa mga national position sa halalan 2022 ay mag-uumpisa sa Pebrero 8 hanggang Mayo 7, 2022.

Samantala, nagpapasalamat naman si Mayor Sara Duterte sa mga tarpaulin na ito ngunit hindi pa ito nagpahayag ng plano niya sa 2022 national elections.

Matatandaang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na nasa kay Mayor Sara ang lahat ng katangian para maging Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

“I understand where they are coming from. I, too, am anxious where we are going as a nation. I am always grateful that I have their trust and confidence. I am pleading to them to please allow me to run for President in 2034, if at that time there is something I can do to help the country,” ayon kay Mayor Sara.