fbpx
≡ Menu

Pagkapanalo ni Leni Robredo bilang VP, palilinlang sa bayan ayon kay Atty. Larry Gadon

May buwelta si Atty. Larry Gadon laban kay Vice President Leni Robredo ukol sa komento nito na napakalaking factor umano para sa mga botante ang honesty kung dapat bang iluklok sa pwesto ang isang kandidato.

Ito rin ay pagsang-ayon ni Gadon kay Davao City Mayor Sara Duterte na bumanat din laban kay Robredo.

Para kay Gadon, panloloko umano sa bayan ang pagkaka-upo ni Leni bilang bise-presidente ng Pilipinas.

“Nababalot sa kababalaghan at kawalan katapatan sa puso at punong-puno ng palilinlang sa bayan ang kanyang pag-upo bilang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Siya ang walang HONESTY,” pahayag ni Gadon.

Nanghihinayang din daw si Gadon dahil nagpagamit umano si Leni sa Liberal Party noong nakaraang 2016 presidential elections.

“Sayang at nagpagamit siya sa pandaraya ng mga Dilawan [Liberal Party] sa nakaraang 2016 Presidential Elections,” banat pa ni Gadon.

Ayon pa kay Gadon, ang totoo daw na nanalo sa pagka-bise presidente ay si dating Senador Bongbong Marcos.

“Ang hinalal ng bayan bilang Pangalawang Pangulo nuong 2016 ay si VP Bongbong Marcos,” ani Gadon.

Mababatid na muling binuweltahan ni Mayor Sara si Robredo dahil umaasa lamang umano ito sa spokesperson sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa integridad nito.

“A reminder to Leni Robredo: Kapag umatake ka, at sinagot ka ng inatake mo to question your authority to speak on integrity and honesty, do not retreat behind a ‘Robredo Camp’ to answer for you and the argument you started,” saad ni Mayor Sara.