in

Bong Go, Bato Dela Rosa, at ilang pambato ng administrasyon sa pagka-senador, inendorso ng El Shaddai

Inanunsyo na ng Catholic Charismatic Group na El Shaddai ang 14 na kandidato sa pagka-senador na kanilang susuportahan para sa darating na May 13 midterm elections.

Sa isinagawang worship service ng grupo sa Amvel Business Park sa Parañaque City, mismong si El Shaddai Servant Leader Bro. Mike Velarde ang nag-anunsyo sa kanilang mga susuportahang kandidato.

Sampu sa mga ito ay nasa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago na regional party ni Davao City Mayor Sara Duterte o mula sa Partido Demokratiko Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na partido naman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ilan sa mga ito ang re-eleksyunistang sina Sen. Cynthia Villar, Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, Sen. JV Ejercito at Sen. Sonny Angara.

Gayundin ang nagbabalik senado na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada; Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, dating Special Assistant to the President Bong Go, dating Presidential Political Adviser Francis Tolentino at dating PNP Chief Ronald Dela Rosa.

Inendorso rin ng grupo ang re-eleksyunistang si Sen. Nancy Binay na nasa ilalim ng Nationalist Alliance na partido ng kanyang amang si dating Vice President Jejomar Binay.

Gayundin sina Sen. Grace Poe at Dr. Willie Ong na tumatakbong independent.

Samantala, tanging si re-electionist Sen. Bam Aquino ang kandidato ng oposisyon na Otso Diretso ang nakakuha ng suporta mula sa El Shaddai.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0