fbpx
≡ Menu

NA-KARMA? Kritiko ng administrasyon na hiniling na mamatay na si Pangulong Duterte, pumanaw na

NA-KARMA? Kritiko ng administrasyon na hiniling na mamatay na si Pangulong Duterte, pumanaw na

Pumanaw na ang performance artist at matinding kritiko ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Carlos Celdran, 46-anyos, ayon sa kumpirmasyon ng kanyang pamilya.

“As the family is making arrangements to bring him home, no details can be announced yet. Only that he passed from natural causes,” ayon sa asawa nitong si Tesa sa isang Facebook post.

Si Celdran ay kilala sa kanyang mga ‘Damaso stunt’ na umatake sa Simbahang Katoliko.

Isa rin siyang visual artist, manunulat at aktibista na laging pumupuna kay Pangulong Duterte.

Hinatulan din siya ng Supreme Court (SC) dahil sa ‘offending religious feelings’ nang mambastos ito sa isang ecumenical service sa Manila Cathedral noong 2010.

Kamakailan ay ibinunyag ni Pangulong Duterte na mayroon siyang ‘myasthenia gravis’ kung saan nakararanas siya ng pananakit ng kalamnan.

Ito ang kanyang ipinahayag sa isang pagpupulong kasama ang mga Pilipino sa Moscow, Russia.

Ikinuwento rin ng Pangulo ang kondisyon ng kanyang mata na ang galaw ay hindi mag-coordinate kung minsan.

Nang malaman ni Celdran ang rebelasyon ng Pangulo, nag-tweet siya sa kanyang Twitter account ng, ‘Good. Now die. Please. Kthanxbye.’