fbpx
≡ Menu

Rep. Geraldine Roman sa mga babaeng hindi komportableng kasalo ang mga transgender: If you have a problem, magtiis ka!

Binatikos ng netizens ang pahayag ni Bataan First District Representative Geraldine Roman nang tanungin siya sa reaksiyon sa mga babaeng hindi komportableng kasalo ang mga transgender sa pambabaeng palikuran.

“Ano ngayon kung transgender? If you have a problem, magtiis ka! Pero ‘wag mong ipagkait sa kapwa tao yung karapatan niyang pumunta sa banyo,” giit ni Roman.

“Bakit? Pumupunta ba sila sa banyo para ma-offend o ‘di ma-offend? Edi pumasok na lang sila sa cubicle and do their thing. ‘Wag nilang kausapin,” dagdag nito.

Nainis naman ang ibang netizens dito, na parang pinahihiya na ni Roman ang mga babae.

Kasabay ng isyu, mariing itinanggi ni Roman na planado ang insidente sa isang mall sa Quezon City na kinasasangkutan ng transgender na si Gretchen Custodio Diez.

Sa isang panayam, sinabi ni Roman na walang katotohanan ang mga kuro-kuro ng ilan sa social media na ang naturang panyayari ay planado upang makakuha ng suporta sa Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) bill.

Samantala, pinase-certify bilang urgent bill ni Roman kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala.

Ayon kay Roman, panahon na para bigyan ng pansin ng pangulo ang pangangailangan ng LGBTQ community.

Aniya, nararapat lamang na bigyan ng pansin ang pantay na karapatan, upang maprotetakhan ang LGBTQ community laban sa anumang uri ng diskriminasyon.

Sa ilalim ng SOGIE bill ay mabibigyan ng pantay na protesksyon at karapatan ang lahat anuman ang kaniyang sexual orientation.