≡ Menu

Erwin Tulfo, nag-sorry sa ‘excessive rant’ pero hindi binawi ang puna laban kay DSWD Sec. Rolando Bautista

Erwin Tulfo, nag-sorry sa ‘excessive rant’ pero hindi binawi ang puna laban kay DSWD Sec. Rolando Bautista

Humingi ng paumanhin ang radio broadcaster na si Erwin Tulfo dahil sa mga naging patama nito laban kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista.

Sa kanyang programang ‘Tutok Tulfo’ sa Radyo Pilipinas, inamin nito na labis ang kanyang ‘excessive rant’ patungkol sa dating heneral, sinabing hindi katanggap-tanggap ang kanyang naging outburst tungkol kay Bautista.

“I apologize doon sa excessive na ranting, ‘yung five minutes akong nagwawala. It’s uncalled for,” ayon sa kanyang programa.

Ngunit aniya, hindi niya babawiin ang pagpuna kay Bautista dahil trabaho niya umano ito bilang mamamahayag.

“Pero ‘yung punahin si Sec. Bautista, I think I have a right bilang journalist at hindi ko babawiin ‘yun. Dahil kaming magkakapatid wala sa bokabularyo namin ang bumabawi sa commentary and it is not our option,” aniya pa.

Nag-ugat ang pagsaring ni Tulfo dahil sa hindi pagtugon ni Bautista sa hiling na makapanayam tungkol sa plano ng ahensya matapos mapirmahan ang Magna Carta of the Poor, dahilan para murahin ito on air.

“Tinatawagan ka namin para marining ng kababayang mahihirap ang stand ng mga mahihirap. Hindi yung sasabihan niyo kami na sumulat muna kayo five days before. Sino ka bang punyeta ka na kailangan ko pang sumulat sayo? Sagutin mo yung telepono mo dahil Secretary ka ng DSWD! Gustong marinig ng mga kababayan natin anong magagawa mo para sa kanila,” saad ni Tulfo.

“Sampalin kita pag nakita kitang buang ka. Wala akong pakialam kung retired general ka. Ingudngud ko yung mukha mo sa inidoro. Kung ako nahihirapan magka-access sayo, how much more ang mga mahihirap?” dagdag na pahayag ni Tulfo.