fbpx
≡ Menu

Presidential sister Jocellyn Duterte-Villarica sa mga miyembro ng KAPA: Kung mapatunayan yan, ako mismo ang mag-iinvest

Presidential sister Jocellyn Duterte-Villarica sa mga miyembro ng KAPA: Kung mapatunayan yan, ako mismo ang mag-iinvest

Umapela si presidential sister Jocellyn Duterte-Villarica sa mga miyembro ng Kapa-Community Ministry International o Kabus Padatuon (KAPA) na hayaan ang kanyang kapatid na si Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ang nararapat na hakbang para malaman kung lehitimo ang nasabing organisasyon.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Jocellyn na ginagawa umano ito ng Pangulo para protektahan ang mga Pilipino.

Aniya, kapag napatunayan naman na lehitimo o legal ang ginagawa ng KAPA, hindi na umano ipapahinto ng Pangulo ang operasyon ng organisasyon.

Bigyan natin ang Presidente ng pagkakataon kung itong KAPA ay legal at malinis. Responsibilidad niyang protektahan ang taong bayan! Kung talagang ito ay lehitimo at makakatulong sa mahihirap hindi niya ipagdadamot sa atin ito!

Pag mapatunayan na ang organisasyon na ito ay hindi isang scam, eh di ipagpatuloy… pero… bigyang liwanag muna kung hindi ba ito mauuwi sa wala sa bandang huli.

Dagdag ni Jocellyn, ipinag-utos umano ng Pangulo ang pagpapasara sa mga tanggapan ng KAPA dahil sa isyu ng investment scam.

Anong mawawala sa ganitong pamaaraan? Hindi nman sinabi ni Tatay na ipapasara ang kumpanya, itigil muna ang operation at imbestigahan kung paano ang pamamalakad ng kumpanya… makatotohanan ba at legal?

Kung mapatunayan yan, ako mismo ang mag-iinvest, sino ba ang hndi gustong kumita? Marami ng scam ang nangyari na, karamihan ang mahihirap at empleyado at retiree ang biktima. Isa na doon ang Legacy at First Quadrant at iba pa. Okay lang sa umpisa, nang lumaki na ang investments biglang naglaho!

Alam ko na ang karamihan, lalo na ang mga investor na kumita sa KAPA, at yong naniniwala na ito na ang sagot sa kahirapan, siguraduhin lang po natin, at kunting ingat. Bigyan ng pagkakataon na mapatunayan na legitimo ang lahat. Mabuti na yong sigurado tayo sa pinasok natin, na may katotohanan at kasiguraduhan.