in

Lalaking nagmamayabang sa social media at nag-drive mula sa passenger seat, ipapahuli ayon sa LTO at DOTr

Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) na hindi nila palalagpasin at gagawa sila ng nararapat na aksyon laban sa mga motorista na nasasangkot sa reckless driving at ipinagyayabang pa sa social media.

Kasunod ito ng kumakalat na video sa Facebook kung saan makikita ang isang lalaki na nagmamaneho habang nakaupo sa passenger seat.

“Huwag nating i-mock ang kakayanan ng gobyerno by clearly disobeying traffic rules. Nakaligtas ka man noong oras na ginawa mo ‘yan, we will make sure you will get penalized. Let this be a stern warning to everyone else. We enjoin the citizenry to report this kind of violations, and we will act on it swiftly,” ayon kay DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark de Leon.

Ayon sa DOTr, ipatatawag sa Land Transportation Office (LTO) ang mayabang na motorista na nakilalang si Miko Lopez.

Sinabi ng DOTr na sasampahan ng LTO ang lalaki ng reckless driving, illegal modification, hindi pagsusuot ng seatbelt at improper person to operate a motor vehicle.

Babawiin rin aniya ang lisensya ni Lopez at hindi na kailanman papayagang makapag-apply ng driver license.

Sakali aniyang hindi sumipot sa LTO si Lopez ay reresolbahin na ng LTO ang isyu batay sa ebidensyang iprinesenta.

HUWAG PO NATING TULARAN. ANG PAGMAMANEHO, HINDI TRIP TRIP LANG.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment