in

Matrix ng ouster plot (Bikoy-Ellen Tordesillas) laban kay Pangulong Duterte, inilabas sa publiko

Kinumpirma ng Malacañang na totoo at nakatakdang ilabas sa publiko ang kumakalat na matrix ng ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“The source of that (matrix) is from the Office of the President, from the President himself. I don’t know how he got one, but it’s coming from the President. I was supposed to release it today,” pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Ang matrix ay nagpapakita ng pagsasabwatan ng ilang media organizations sa pagpapakalat ng mga fake news para pabagsakin ang administrasyon at patalsikin sa puwesto ang Pangulo.

Ayon kay Panelo, galing sa ibang bansa ang intelligence report at nagmula mismo sa tanggapan ng Pangulo.

Nilinaw ni Panelo na hangga’t walang actual execution ng oust Duterte plot ay hindi kikilos ang pamahalaan para kasuhan ang mga personalidad na nasa likod nito.

“Eh basta lumabag na sila. Pag meron na silang overt acts to bring down this government, that’s a different story. Pero kung ito ito lang muna, eh dati dati naman nilang pinagagagawa ito eh hindi naman sila nagsa-succeed (But with this, they have been doing this, but they don’t succeed), But the public has the right to know. They have to know,” saad ni Panelo.

Kasama sa ouster plot ang Rappler, Vera Files, National Union of People’s Lawyers (NUPL), at Philippine Center for Investigative Journalism na sinasabing nakikipag ugnayan sa mga makakaliwa para maisakatuparan ang plano.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment