fbpx
≡ Menu

Higit 35% na taas sahod ng mga pampublikong guro sa Pilipinas, tiniyak ni Pangulong Duterte na ibibigay ngayong taon

Higit 35% na taas sahod ng mga pampublikong guro sa Pilipinas, tiniyak ni Pangulong Duterte na ibibigay ngayong taon

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na maibibigay ngayong taon ang ipinangako niyang salary increase para sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Sa isang pulong balitaan sa Davao City makaraang makabalik mula sa limang araw na official visit sa Russia, sinabi ni Pangulong Duterte na uunti-untiin ang pay hike sa mga guro, katulad ng rate ng increases sa mga sundalo at pulis noong 2018.

“It’s coming, their increase. But not double. There are more teachers, my God. But it’s there. It’s coming this year,” ani Pangulong Duterte.

Subalit sinabi ng Pangulo na hindi siya makakapagbigay ng eksaktong timeline para sa pay hike ng mga guro.

“You know, the government is such a very complex animal. And you cannot just… If I give you the timeline, then I could not make it on the deadline, I will have to explain more than what is expected of government,” sabi ng Pangulo.

“It’s better once it is there. Then I can say it’s there. What I’m saying now is it’s coming. I said they will also have an increase. That I’m very sure of,” dagdag pa niya.

Noong Oktubre 4, ipinangako ng mga senador na gagawin nilang prayoridad ang salary increase para sa mga guro kasabay nang paggunita ng National Teachers’ Day.