in

Militanteng grupo na LFS, hayagang ipinagmalaki na naging NPA ang kanilang alumni

Binabatikos ngayon sa social media ang naging pahayag ng tagapagsalita ng League of Filipino Students (LFS) na si Kara Taggaoa.

Ibinahagi ng militanteng grupo na LFS, ang video na may caption na “Wala nang kalayaang maaagaw sa atin dahil matagal na tayong hindi malaya. Kaya tayo lumalaban ay dahil babawiin natin ang ating kalayaan.”

Sa naging talumpati ni Taggaoa sa harap ng Mendiola Peace Arch, hayagang ipinagmalaki nito na naging miyembro ng teroristang New Peoples Army (NPA) ang kanilang alumni.

“Hindi ang mga organisasyon o mga pamantasan ang nagtulak sa mga kabataan na maging miyembro ng NPA. Si Duterte at Estados Unidos ang nagtulak sa kanilang maging hukbo ng sambayanan.”

“Sabi ni Duterte noong isang araw, gusto niya nang mamatay at mapunta sa impyerno. Eh di pumunta ka, mamatay ka, pero huwag mong idamay ang sambayanang Pilipino.”

“Proud kami na ang aming mga alumni ay naging NPA dahil pinagtanggol nila ang sambayanang Pilipino mula sa mga dayuhan, mula sa mga imperyalistang mandarambong at sa mga naghaharing-uri,” sabi ni Taggaoa.

Si Taggaoa ay miyembro at tagapagsalita ng LFS, isang makakaliwang grupo na kumukontra sa administrasyong Duterte at sumusuporta sa CPP-NPA.