in

Otso Diretso candidate Romulo Macalintal tinanggap na ang pagkatalo sa 2019 midterm elections

Tinanggap na ng kandidato ng Otso Diretso na si Romulo Macalintal ang kaniyang pagkatalo sa 2019 midterm elections.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Macalintal na nagpapasalamat siya sa oportunidad na maranasang maialok ang kaniyang serbisyo sa bayan.

Dagdag ni Macalintal na lumilitaw sa resulta mula sa mga clustered precincts na mayorya ng mga botante ay pinili ang ibang mga kandidato at hindi siya.

“Thank you for this great opportunity and rewarding experience to offer my services to all of you as a public servant in the Senate,” the contender pahayag ni Macalintal.

“But from the results coming from all the clustered precincts, it is clear that a great majority of our voters have chosen other candidates. And I respect their decision as I concede defeat in this senatorial race,” dagdag niya.

Nakuha ni Macalintal ang ika-26 na pwesto na mayroong 3,866,726 votes noong 11:15 ng umaga sa partial at unofficial results.

Binati din ni Macalintal ang lahat ng mananalong senador na aniya nakakuha ng buong tiwala at kumpiyansa ng publiko para manilbihan sa susunod na anim na taon.

Si Macalintal ang unang senatorial candidate mula oposisyon na nag-concede.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment