Mabuting pulis, tinupad ang hiling ng isang bata na mayakap ang kanyang amang nakakulong

Umantig sa puso ng mga netizens ang mga larawan kung paano hinayaan ng pulis ang isang bata na mayakap ang kanyang ama na nakakulong.

Humiling ang bata na mayakap ang kanyang ama dahil labis na umano niya itong nami-miss.

Kasabay nito, tinanong din ng bata kung maaari na bang palayain ang kanyang ama.

Pero ang sagot ng pulis, ‘Hayaan mo malapit na umuwi ang papa mo basta magpakabait ka palagi.’