NASA Perseverance Rover, matagumpay na nakalapag sa planetang Mars

Matagumpay na nakalapag sa planetang Mars ang Perseverance rover ng National Aeronautics and Space Administration (NASA).

Sa limang nagdaang rover ay ito na ang sopistikadong rover na ipinadala ng NASA sa Red Planet.

“Perseverance is the most sophisticated robotic geologist ever made, but verifying that microscopic life once existed carries an enormous burden of proof,” sabi ni Lori Glaze, director ng NASA’s Planetary Science Division.

“While we’ll learn a lot with the great instruments we have aboard the rover, it may very well require the far more capable laboratories and instruments back here on Earth to tell us whether our samples carry evidence that Mars once harbored life,” dagdag pa niya.

Mangangalap ito ng data at pag-aaralan kung maaaring mabuhay sa crater ng planeta dahil sa pagkakaroon ng lawa sa nagdaang 3.9 bilyon taon na ang nakaraan.

Nagpadala agad ng tweet na nagsasabing ligtas ito ganun din ay nagpadala ito ng larawan sa paglapag sa Mars.

Sinabi ni NASA acting administrator Steve Jurczyk na isang hamon ang pagtungo ng rover sa Mars dahil sa COVID-19 pandemic na kinakaharap ng mundo.

“This landing is one of those pivotal moments for NASA, the United States, and space exploration globally – when we know we are on the cusp of discovery and sharpening our pencils, so to speak, to rewrite the textbooks,” sabi ni Jurczyk.

“The Mars 2020 Perseverance mission embodies our nation’s spirit of persevering even in the most challenging of situations, inspiring, and advancing science and exploration. The mission itself personifies the human ideal of persevering toward the future and will help us prepare for human exploration of the Red Planet,” dagdag pa niya.

Magsisilbing “scout for the rover mission” ito na magiging madali na para sa mga papalapit na mission ng Mars.

Umabot sa pitong buwan bago narating ang Mars na may layong mahigit 300 million kilometers.