Aso, isinalang sa swab test matapos makitaan ng sintomas ng COVID-19

Isang aso ang sumailalim sa swab test sa Seoul, South Korea matapos makitaan ng sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) gaya ng sipon at lagnat.

Kinuhanan siya ng sample sa ilong at sa rectum.

Batay sa ulat ng Reuters,  nasa 8-anyos ang babaeng aso na Cocker Spaniel at 14 na araw itong ika-quarantine kasama ang kanyang amo.

Dinala naman sa Seoul’s Animal Sanitation Laboratory ang sample na nakuha sa aso upang pag-aralan at inaasahang lalabas ang resulta ng test.

Nitong Enero, naitala ng South Korea ang una nitong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga alagang hayop, nang magpositibo sa nasabing virus ang isang pusa.

Posibleng nahawahan ang pusa sa mga may-ari nito na kumpirmadong may COVID-19.