Kimchi, nakatutulong para maibsan ang mga sintomas ng COVID-19

Isang pag-aaral sa France ang nagsasabing maaaring mapagaan ng tradisyunal na side dish sa Korea ang mga sintomas ng COVID-19.

Isinagawa ito ng World Institute of Kimchi at ng honorary professor ng Pulmonary Medicine sa Montpellier University na si Jean Bousquet.

“Various nutrients contained in primary materials of kimchi, such as cabbage, red pepper and garlic, control the antioxidant system in the human body, blocking the nerve channels that perceive COVID-19 symptoms to alleviate them,” ayon sa World Institute of Kimchi.

Ayon sa nasabing pag-aaral, ang pagkain ng kimchi ay nagpapahina ng coronavirus na nakapasok na sa katawan dahil bioactive compounds na taglay nito.

Dahil ang kimchi ay fermented na pagkain, lumilikha ito ng metabolite na nagtataglay ng kakayahang pababain oxidative stress maging ang inflammatory responses na dala ng virus.

Ang kimchi ay kadalasang gawa sa cabbage, bawang, luya, at sili.

Sinasabing ang mga sangkap na ito, at ang probiotics gaya ng lactic acid bacteria dahil sa fermentation ay nagpapalakas ng taglay nitong antioxidant na siyang nagpapahina ng mga sintomas ng COVID-19.

“Kimchi is rich in antioxidants and can be an effective food for alleviating coronavirus symptoms thanks to its effects in reducing TRP activity. Korea’s low rate of COVID-19 deaths and severe patients could be attributed to kimchi,” pahayag ni Professor Bousquet.

Ayon sa World Institute of Kimchi, patuloy na pinag-aaralan ng iba pang mga lokal na institusyon ang epekto ng kimchi laban sa COVID-19.