Sanggol na ipinanganak na may tatlong ari, naitala sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng tao

Umukit ng kasaysayan ang isang sanggol matapos ipanganak na tatlo ang ari.

Ayon sa New York Post, isang Kurdish ang sanggol mula sa Duhok, Iraq.

Ito ang unang kumpirmadong kaso sa kasaysayan ng tao, na tinatawag na “triphallia”.

“To the best of our knowledge, this is the first reported case with three penises or triphallia,” pahayag ni Dr. Shakir Saleem Jabali.

Inalis na ng mga doktor ang dalawang ekstrang ari ng sanggol dahil wala itong mga urethra.

Hindi pa batid ng mga doktor kung paanong nag-develop ng tatlong penis ang sanggol.

Inabisuhan ang mga magulang ng sanggol na regular na mag-follow up sa mga doktor lalo na kapag nagbinata ang kanilang anak.

Unang iniulat ang bihirang kondisyon ng pagkakaroon ng dalawang penis na “diphallia” noong 1609.