in

Bong Go kay Antonio Trillanes na nasa likod umano ng Bikoy videos: Hintayin mo. Ipapatawag rin kita sa Senado

Matapos ang pasabog na rebelasyon ni Peter Joemel Advincula tungkol sa tunay na mastermind sa “Ang Totoong Narcolist” video, nagbigay na rin ng pahayag ang nadawit na senator-elect na si Senator Bong Go patungkol kay Trillanes.

Sa paglutang ni Advincula, pinangalanan niya sina Sen. Antonio Trillanes IV, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Leila de Lima, Otso-Diretso, Liberal Party at iba pa upang siraan ang administrasyon.

Sa isang panayam, sinabi ni Go maghintay lang dahil baka ipatawag niya rin si Trillanes sa Senado.

Mababatid na dalawang beses rin na nagpakita ng kanyang likod si Go upang patunayan na walang “dragon tattoo” sa kanyang likod na siyang ibinibintang sa kanya ni Trillanes.

“Trillanes, hintayin mo rin. Baka ikaw rin ang ipatawag ko,” saad ni Go.

“Pasalamat rin ako kay Trillanes, kung hindi n’ya ako tinawag d’yan baka hindi ako naging senador ngayon,” dagdag pa niya.

Kumbinsido si Go na totoong sina Trillanes at ang oposisyon ang nasa likod kay Bikoy para daw siraan si Pangulong Duterte at mga kandidato ng administrasyon sa katatapos na 2019 midterm elections kasama na siya.

“Naniniwala po ako na nasa likod nito sina Trillanes at oposisyon. Sinakyan po nila ang issue para sirain si Pangulong Duterte at ang mga kandidato ni Pangulong Duterte,” aniya.

“Kanya-kanya na pong hugas-kamay kung sino po ang nasa likod nitong si Bikoy na ‘to,” dagdag ni Go.

WATCH: BONG GO TO TRILLANES: I MIGHT SUMMON YOU AFTER ‘BIKOY’ VIDEOS

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment