GrabFood delivery riders, nanlumo dahil sa fake booking na umabot hanggang 15,000 ang babayaran

Isa na namang nakakapanlumong insidente ng fake booking ang nag-viral ngayon sa social media.

Ikinagalit ng maraming netizens ang fake booking ng isang taong gumamit ng pangalan at address ng isang tao sa Brgy. Pinyahan sa Quezon City.

Ilang mga delivery riders ang dumating sa delivery address dala ang pagkaing na-order sa pamamagitan ng mobile app.

Ayon kay Zandro Nonato, umabot sa P15,000 ang kabuuang halaga ng lahat ng pagkaing inorder ng taong ito.