in

Pangulong Duterte kay Mar Roxas: Anong nagawa ni Mar? Bigyan mo ako maski isa lang

Sa kanyang pagdalo sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Mayor Vitaliano D. Agan Coliseum sa Zamboanga City ay muling binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang senatorial candidate ng oposisyon na si Mar Roxas.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo kung paano naging arogante si Roxas noong siya pa ay Mayor ng Davao City.

Hindi umano pinapansin ni Roxas ang ilang local government official sa isang pulong, bagkus ibinaling nito ang pansin sa mga justices na dumalo sa okasyon.

Sinabi din ng Pangulo na hindi mananalo si Roxas laban sa kanyang dating aide na si Christopher “Bong” Go sa darating na halalan sa Mayo.

“Kung ‘yung kampanya ipinakita niya ang the best niya, hindi siya manalo kay Bong Go, sa totoo lang,” ani Pangulo.

Kinuwestiyon din ng Pangulo ang mga sumusuporta kay Roxas kung ano ang nagawa ng kanilang iniidolo noong ito pa ay isang opisyal ng gobyerno.

“Ano mang nagawa ni Mar? Kayo tanungin ko kayo. Kayong nag-Liberal, magtanong lang ako sa’yo, anong nagawa niya? Ano ang nagawa niya naiwan niya sa bayan?” sabi ng Pangulo.

“Nadaanan man niya lahat ‘yan. Tapos porma. Ano ang nagawa niya? Bigyan mo ako isa. Maski isa lang,” dagdag nito.

Matatandaan sa naging speech ng Pangulo sa Boracay noong nakaraang taon, sinabi nito na aprub sa kanya kung iboboto ng taong bayan ang kanyang dating nakalaban sa 2016 presidential elections.

WATCH: PARTIDO DEMOKRATIKO PILIPINO-LAKAS NG BAYAN (PDP-LABAN) ZAMBOANGA CAMPAIGN RALLY 03/03/19

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0