in

Pangulong Duterte, binanatan si Leni Robredo sa PMA graduation matapos ang isyu kay Bikoy

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo nang dumalo at magkita sila sa graduation ceremony ng Philippine Military Academy (PMA) ‘Mabalasik’ Class 2019 sa Fort del Pilar, Baguio City.

Iyon ang unang pagkikita nila mula nang masangkot si Robredo sa planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte at makaraang matalo ang oposisyon sa 2019 midterm elections.

Sa simula ng kanyang talumpati, may banat ang Pangulo kay Robredo dahil hindi na siya nito nginingitian.

“Vice President Maria Leonor ‘Leni’ Robredo, ma’m, bakit noon ma’m naga-smile ka sa akin, ngayon hindi na? Ikaw ha,” sabi ng Pangulo na nagpatawa sa mga au­dience.

Pagkatapos ng kanyang 13 minutong talum­pati, nakitang nakikipagkamay ang Pangulo sa nakangiti nang si Robredo.

Nauna rito, ibinunyag ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na ang oposisyon na kinabibilangan ni Sen. Antonio Trillanes at ng Liberal Party (LP) na pinamumunuan ni Rob­redo ang may pakana sa black propaganda video para patalsikin sa puwesto ang Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment