fbpx
≡ Menu

Pangulong Duterte, tutuluyan na ang 64 na mga opisyal at kawani ng BOC na sangkot sa katiwalian

Pangulong Duterte, tutuluyan na ang 64 na mga opisyal at kawani ng BOC na sangkot sa katiwalian

Tutuluyan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 64 na mga opisyal at kawani ng Bureau of Customs (BOC) na sangkot sa katiwalian.

Sa kanyang talumpati sa ika-118 anibersaryo ng Police Service sa Camp Crame, sinabi ng Pangulo na walang pagpiliian ang 64 na mga kawani ng BOC kundi umalis sa serbisyo.

Aniya, kapag ayaw bumitaw ng mga ito ay kakasuhan niya ng kasong kriminal at mawawala ang lahat sa kanila kasama na ang kanilang dangal bilang kawani ng gobyerno.

“You better go or I will really pursue the case criminally. You’ll not only lose your pants, but you will lose everything including being a dishonorable employee of this government,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulong Duterte na ang nabanggit na bilang ng mga kawani ng BOC ay nasa listahan ng mga tiwali sa gobyerno at patong-patong ang kaso at reklamong katiwalian laban sa mga ito.

“Nandito ang laro, Customs. Kaya ang Customs they will lose about 64 of them. They have been there for 39 years, 38, I’m sorry. You are there in the list of corrupt,” dagdag ng Pangulo.

Matatandaang inilagay ni Pangulong Duterte sa floating status ang nabanggit na mga empleyado ng BOC noong nakalipas na buwan matapos mapatunayang sangkot sila sa korapsiyon.