World Health Organization, ideneklarang global emergency ang 2019 novel coronavirus outbreak

World Health Organization, ideneklarang global emergency ang 2019 novel coronavirus outbreak

Idineklara na ng World Health Organization (WHO) ang public health emergency of international concern dahil sa outbreak ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV).

Isinagawa ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus ang anunsiyo kasunod sa ginawang emergency briefing sa Geneva.

Tinawag din ito ng WHO na isang “extraordinary event” na nakataya ang kalusugan ng publiko dahil sa patuloy na pagkalat ng sakit sa buong mundo na kinakailangan na ang pagtutulungan ng lahat ng mga bansa.

Dahil sa pagtaas ng bilang at ebidensya ng person-to-person transmission sa mga kaso sa labas ng China ay nagpulong muli ang mga WHO leaders dahil sa paglaki ng outbreak.

“I am declaring a public health emergency of international concern over the global outbreak of novel coronavirus,” ani Dr. Ghebreyesus.

“ The main reason for this declaration is not because of what is happening in China, but because of what is happening in other countries. Our greatest concern is the potential for the virus to spread to countries with weaker health systems, and which are ill-prepared to deal with it,” dagdag pa nito.

Ang pagdeklara ng global emergency ay nangangahulugan na maaaring magpatupad ng travel ban at paglimita sa export at import ng mga bansang apektado ng virus.