in

12-anyos na dalagita sa Cebu, nakaligtas sa tangkang panggagahasa dahil ‘di tinigasan ang suspek

Lumapit sa mga awtoridad ang pamilya ng isang 12-anyos na dalagita na tatangkain sanang gahasain sa lungsod ng Badian, Cebu.

Kuwento ng ina ng biktima, inutusan umano niya ang kanyang anak noong Abril 12 at habang naglalakad, may isang lalaking may takip ang mukha ang biglang humarang at nagdeklara ng hold-up.

Dahil walang dalang pera ang dalagita, dinala umano ito ng suspek sa lugar kung saan may maraming tanim na kawayan at doon sana hahalayain.

Base naman sa salaysay ng dalagita, hinubaran siya ng suspek ngunit hindi agad siya nagalaw dahil hindi tumigas ang ari nito.

Kaya naman, nakatakbo ang biktima na walang pang-ibabang saplot at humingi ng tulong sa kanilang kapitbahay.

Agad na tinumbok ng biktima ang suspek nang magsumbong ito sa pulis ngunit hindi umano agad ito hinuli.

Ayon sa pulisya, tila hindi raw kasi consistent ang pahayag ng biktima kaya pinakawalan muna nila ang suspek.

Hustisya naman ang sigaw ng ina ng biktima kaya ito humingi ng tulong dahil na-trauma at hindi makatulog ng maayos ang kanyang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0