in

CHR, magbibigay ng pinansiyal na tulong sa pamilya ng 16-anyos na si Christine Silawan

Hinahanda na umano ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa pamilya ni Christine Silawan, ang 16-anyos na babae na brutal na pinatay sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ito ay maliban pa sa isinagawang imbestigasyon ng CHR sa nasabing krimen para sa agarang pagbibigay ng hustisya sa pamilya ng dalagita.

Inilahad ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia ang pagkondena sa nasabing pangyayari kasabay ng pagsisiguro nito na sasamahan nila ang pamilya ng biktima hanggang sa makamit ng mga ito ang hustisya.

Ayon kay de Guia, nakikipag-ugnayan na ang kanilang ahensya sa pamilya ng biktima upang maipaabot ang tulong pinansiyal sa kanila na maaaring makatulong sa pagpapalibing sa biktima.

Sa ngayon, inaasahan ni de Guia na sa lalong madaling panahon ay mahuli na ang suspek sa krimen at maparusahan ito ng naaayon sa kaniyang ginawang krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment