in

Pres. Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping, tinalakay ang isyu sa West Philippine Sea

Tinalakay ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang isyu sa West Philippine Sea, partikular na ang Pag-asa Island sa kanilang bilateral meeting kasabay ng 2nd Belt and Road Forum sa Beijing.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagkasundo ang dalawang lider na daanin ang isyu sa negosasyon nang hindi maapektuhan ang kooperasyon ng China at Pilipinas.

Sinabi ni Panelo, mutual trust ng Pilipinas at China ang kailangan para resolbahin ang mga isyu.

“Both agree that the situation can be managed by the mechanism of bilateral negotiations but it should not affect the cooperation being undertaken by both the Philippines and China and they look forward to a productive discussion on matters of mutual concern and interests,” ani Panelo.

“While the Chinese leader acknowledged the inevitable of having challenges to the bilateral relations, he placed importance on the mutual trust that exists between the two nations in order to resolve the same,” dagdag ni Panelo.

Sinabi ni Panelo, pinag-usapan din sa pulong nina President Duterte at President Xi ang Memorandum of Understanding on Oil and Gas, kung saan sinuspinde ng dalawang bansa ang kanilang pagkakaiba para sa joint exploration kung saan makikinabang ang Pilipinas at China.

Sa panig ng Pangulong Duterte, sinabi ni Panelo na tiniyak niya na nananatiling kaalyansa ng Pilipinas ang China sa Southeast Asia.

Aniya, tinuran ng Pangulong Duterte na ang alyansa ay pinalalakas at hindi nagsisiraan sa isa’t-isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0