fbpx

Aiko Melendez, dinepensahan ang partner na si Subic Mayor Jay Khonghun na nasa narco-list



Itinanggi ni Subic Mayor Jefferson “Jay” Khonghun ang umano’y alegasyon na isa siyang narco politician.

Ayon kay Khonghun, ang alegasyon ay kagagawan ng kanyang kalaban sa pulitika.

Ang pagtanggi ni Khonghun ay matapos siyang masama sa narco-list o sangkot sa kalakalan ng iligal na droga na inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Facebook Live ni Khonghun, sinabi ng alkalde na hindi niya kailangang magprotekta ng droga o maging drug lord dahil hindi naman siya ganoon kahirap.

Makikita naman sa video na katabi ng alkalde ang kanyang girlfriend na si Aiko Melendez kung saan dinepensahan niya ang mga alegasyon kay Khonghun.

Mababatid na laging suportado ni Melendez ang alkalde sa mga pagharap nito sa publiko lalo na sa gitna ng kontrobersya.

READ:  Pangulong Duterte, nanguna sa unveiling ng Marawi Heroes Memorial Monument

Like it? Share with your friends!

Leave a Comment