in

Saksi sa pagpatay at pagbalat sa mukha ng 16-anyos, lumutang; 3 durugistang suspek hina-hunting na

Isang saksi ang lumutang sa karumal-dumal na krimen sa isang 16-anyos at Grade 9 student na dalaga sa Lapu-Lapu City sa Cebu ayon kay Senior Superintendent Lemuel Obon.

Ayon sa witness, tatlong lalaki ang pumatay sa biktima na si Christine Lee Silawan sa isang bakanteng lote sa Barangay Bangkal sa naturang lugar lungsod.

Ang isa umano sa mga suspek ang may hawak sa biktima habang ang isa naman ang sumaksak dito; at ang ikatlong suspek naman ang siyang bumalat sa mukha ng dalaga.

Samantala, sa CCTV footage na nakuha mula sa Sacred Heart Parish Church sa Barangay Pajac kung saan huling pumunta ang biktima, nakita itong kumakain ng balut kasama ang isang kasamahan bago ito nawala.

Sabi naman ng sekretarya ng simbahan na si Rosana Rondina, huli nilang nakita ang dalaga kasama ang isang altar boy pauwi.

Ayon sa altar boy, pauwi na raw sila nang magpunta muna siya sa palikuran at sinabihan pa raw ang dalaga na maghintay sa labas ng simbahan. Ngunit pagbalik umano nito ay wala na ang dalaga.

Posibleng inisip ng altar boy na umuwi nang mag-isa ang dalaga ayon kay Rondina.

Naniniwala rin Obon na ginahasa muna bago binalatan ang mukha at pinatay saka itinapon sa bakanteng lote ang biktima.

Aniya, ang tatlo umano ang huling nakitang kasama ng biktima bago ito natagpuang wala nang buhay nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa inisyal na report, hindi na umano nakauwi si Silawan nang magpaalam sa kanyang nanay na magtutungo ng simbahan.

Agad na ini-report ng kanyang ina ang hindi pag-uwi ng anak noong Linggo at noong Lunes ng umaga ay natagpuan na lang ang bangkay ng biktima.

Kasalukuyan namang inaalam ng pulisya ang kinaroroonan ng mga suspek para mabigyan ng hustisya ang biktima.

TINGNAN ANG MGA LARAWAN NG BIKTIMA DITO: https://www.facebook.com/JBxeouycDonaire/posts/2169176879814980

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0