fbpx
≡ Menu

Canadian at asawang Pinay na tumakas, nagharap na; Raffy Tulfo, nabanas sa paiba-ibang statement nito

Canadian at asawang Pinay na tumakas, nagharap na; Raffy Tulfo, nabanas sa paiba-ibang statement nito

Nagharap na sa programa ni Raffy Tulfo ang isang Canadian at ang asawa nitong Pinay na tumakas mula rito.

Dahil sa ginawa ng Pinay, maraming netizens ang kinundena ang ginawa nito sa kanyang Canadian na asawa.

Maging ang nanay kasi nito ay kasama ng Canadian na naghahanap sa kanya na napag-alamang nasa poder pala ng karelasyon nitong lesbian na si Irene Torres.

Sa kanilang paghaharap, nakiusap ang Canadian na si William Brown sa asawa nitong si Kathlyn Cambarihan Brown na bumalik na lamang sa kanya.

Ngunit nagmatigas pa rin si Kathlyn at nakiusap kay William na palayain na lamang siya dahil hindi na niya ito mahal.

Maging ang nanay nito ay sinisi rin nito kung bakit siya nasa kasalukuyang sitwasyon, at inakusahan pang pinilit lamang siya nito na magpakasal kay William.

Ngunit mariing pinabulaanan ito ng ginang at sinabing kaya lamang niya nasampal si Kathlyn noon ay dahil sa kahihiyang idinulot nito sa kanila.

Maging si William ay itinanggi rin ang mga akusasyon na sinaktan ng ginang ang kanyang asawa sa harap nito.

Diin ng Canadian na basta na lamang siyang iniwan ng asawang Pinay sa hotel kahit pa may sakit siya at napag-alamang kasama nito ang lesbian.

Samantala, nagkaroon rin ng pagkakataon na makausap si Irene ng mga ito at sinabing matatag pa rin ang relasyon nilang dalawa.

Taliwas ito sa sinabi ni Kathlyn noong una na hiwalay na sila nito at hindi sila magkasama.

Doon na nagsimulang mapansin ni Tulfo ang pagsisinungaling ni Kathlyn lalo pa at may mga hindi tugmang pahayag mula sa mga ito.

Dahil dito, nakatikim ng sermon si Kathlyn mula kay Raffy lalo pa nga at maging ang sarili nitong ina ay pinagmumukha raw nitong masama on national TV.

Ayon pa kay William, nagsinungaling rin si Kathlyn tungkol sa kanyang edad at sa kung saan ito nakatira.

Sabi daw nito ay sa Japan ito nakatira noong una silang nagka-chat.

Labis namang naawa ang mga netizens kay Willian at may nagsasabi rin na sinungaling si Kathlyn na maging si Raffy ay nakapansin dito.

PANOORIN: ASAWANG NAGLAHONG PARANG BULA (PART 1)

PANOORIN: ASAWANG NAGLAHONG PARANG BULA (PART 2)