fbpx

PNP, nakatanggap P210M halaga ng bomb suits, shields at helmet mula sa Japan



Read: Paano maging updated sa PhilNetizen sa inyong Facebook News Feed?

Tinanggap ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang kalahating bilyong yen o P210 milyong halaga ng mga gamit na donasyon mula sa Japan.

Ang mga kagamitan na binubuo ng bomb suits, 6 ballistic shields, 400 bulletproof vest at 400 ballistic helmets ay itinurn-over sa PNP ni Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda sa PNP Headquarters sa Camp Crame.

“Amid the challenges of violent extremism in the region, it is crucial now more and ever that Japan and the Philippines work together to improve capabilities, keeping in mind that the safety of our people is of paramount importance,” sabi ni Haneda sa ceremonial rite.

“This is the rationale underlying Japan’s continuing support and continuing partnership with the Philippines,” dagdag nito.

Ang mga donasyon ay ipamamahagi sa Explosive and Ordnance Division (EOD) teams at anti-terrorism units ng PNP na galing mula sa Japan Grant Aid for Economic and Social Development Program.

READ:  Universal Health Care Act na magpapalawak ng saklaw ng PhilHealth, pirmado na ni Pangulong Duterte

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ng PNP Chief Albayalde ang Japan sa kanilang patuloy na suporta sa PNP.

“We are truly grateful that the partnership of the two nations, Japan and the Philippines, have been continuously strengthened and further enriched to different programs such as grant aids for economic and social development programs in which donations are part of,” saad ni Albayalde.

Magugunitang noong Nobyembre 2017, 100 brand new patrol vehicles naman ang ibinigay na donasyon ng Japan sa PNP.

Ayon sa PNP Chief, ang huling donasyon ng Japan ay napapanahon dahil malaking tulong ito sa PNP sa anti-terrorism campaign.

“In these challenging times that lawless elements attempt to spoil the progress of lasting peace that we have been establishing in our country, these new assets will definitely boost the PNP’s capability enhancement program especially in addressing counter-terrorism and public security issues,” ani Albayalde.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment