fbpx
≡ Menu

Pangulong Duterte sa pagkamatay ng SAF 44: Mar Roxas wasted 44 lives for nothing in Mamasapano

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na dapat panagutin si dating Interior Secretary at senatorial candidate Mar Roxas sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban Campaign Rally sa Tuguegarao City, iginiit Pangulo na nasayang lang ang buhay ng mga 44 pulis para sa wala.

“He wasted 44 lives for nothing. They could not even explain why it was the police who went there… hanggang ngayon hindi niya sinagot ito,” ani Pangulo.

Ayon sa Pangulo, isa si Roxas sa may kasalanan kaya namatay ang 44 na pulis sa operasyon laban sa mga rebeldeng Moro.

Aniya, hanggang sa ngayon ay hindi pa naipaliliwanag ni Roxas at ng dating administrasyon kung bakit ang 44 na miyermbro ng SAF ang ipinadala para sa operasyon.

Ipinunto pa ng Pangulo na ang PNP-SAF ay hindi kabisado ang lugar at kung bakit walang ipinadalang reinforcements kahit may available na air assets malapit sa lugar.

“This is what I want to ask him: Why use the police? And why did the Army not come in when the battle lasted for a day? Why was there no air support when there was a lot of air assets around the area?” ani Pangulo.

Idinetalye rin ng Pangulo ang panahong kasama niya si dating Pangulong Noynoy Aquino at Roxas, na dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nang mangyari ang Mamasapano encounter.

“Nandoon ako sa Zamboanga. Nandoon din si Roxas… pinatawag kami doon sa command conference. Itong dalawang Roxas at Aquino panay ang tindig doon sa likod ng stage, kami naman naghihintay,” sabi ng Pangulo.

“Nag-upo na kami doon, andyan ‘yung mga general, tinanong niya (dating Pangulong Aquino) ‘yung mga general… tapos tinanong niya, ‘Kung ikaw general kung ikaw ang nandoon, anong gawin mo?’ Pu**ng i**, tumindig ako. ‘Mr. President, I have a flight. Wala. Sabi ko I have a flight, I have to. Tumindig ako because it was very stupid. Magtanong ka ng ganun, natapos na ang araw patay na mga sundalo ko,” dagdag ng Pangulo.