BAKIT WALA BA? Tito Sotto, may mensahe sa mga nagagalit kay Manny Pacquiao

Hindi maintindihan ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III kung bakit may nagagalit kay Senator Manny Pacquiao tungkol sa sinabi nitong naging mas malala ang korapsyon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Bakit ba sila nagagalit kay Manny pag sinasabing may corruption sa gov’t? Bakit, wala ba?” giit ni Sotto.

Matatandaan na nagkabangga sina Pacquiao at Pangulong Duterte dahil sa sinabi ng mambabatas na dumoble umano ang korapsyon sa kasalukuyang administrasyon kumpara sa panahon ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

“Sa totoo lang ngayon talaga kung ano ‘yung korapsyon sa past administration ‘yung kay PNoy, mas doble ngayon. Mas doble o sobra pa,” ayon kay Pacquiao.

Banat naman ng Pangulo, dapat ay ituro ni Pacquiao kung sino ang kilala niyang kurakot sa gobyerno.

Pero kung wala umanong maituro si Pacquiao ay ikakampanya ng Pangulo na huwag iboto ang senador sa susunod na eleksyon dahil sinungaling umano ito at gumagawa lang ng kuwento.