LUGAW SI LENI! Epimaco Densing, inamin na si Leni Robredo ang pinatatamaan dahil sa patuloy na pagbanat sa gobyerno

Nilinaw ni Department of Interior and Local Government (DILG) Usec. Epimaco Densing III na biro lang ang kanyang sinabi sa isyu ng lugaw pero iginiit na si Leni Robredo ang hindi essential dahil sa kanyang patuloy na banat sa gobyerno at mga hakbang nito sa COVID-19 pandemic.

“Ano siya, pabiro ang delivery pero I’m serious in saying that she (Leni Robredo) is a non-essential today,” ani Densing.

“Wala siyang ginawa. Lahat ng sinasabi niya puro criticisms, unfounded, minsan magbibigay siya ng program pero nagawa na ng gobyerno,” dagdag pa niya.

Nag-umpisa ang isyu nang magkomento si Densing sa isyu ng isang kawani ng barangay sa Bulacan na nagtrending sa paghaharang sa food delivery courier dahil hindi umano essential ang dala nitong lugaw.

Komento ni Densing: “Sabi niya kasi, non-essential si lugaw. Hindi talaga essential si lugaw. Pero kung sinabi niya, essential ang lugaw, ‘yun, tama ‘yun. Ang lugaw. Pero si lugaw ang binanggit niya. Non-essential talaga ‘yun sa pananaw namin.”