≡ Menu

Dating pari na tagapagsalita ng NDFP at dalawa pang opisyal, naaresto sa Laguna

Dating pari na tagapagsalita ng NDFP at dalawa pang opisyal, naaresto sa Laguna

Naaresto ng mga tauhan ng Laguna Police Provincial Police Office at 202nd Infantry Brigade ang isang tagapagsalita National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa Negros at dalawa pang opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) matapos ang kanilang ikinasang operasyon sa Brgy. Calumpang, Liliw, Laguna.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Oscar Albayalde, ang naarestong NDFP consultant ay si Francisco “Frank” Fernandez, 71-anyos, na pansamantalang tumutuloy sa Brgy. Calumpang.

Habang ang dalawang CPP-NPA official ay sina Cleofe “Guia” Lagtapon, 66-anyos, nagsisilbi bilang regional deputy secretary for communications and for education komite rehiyon-Negros Cebu Bohol Siquijor (KR-NCBS).

At Gee-Ann “Angie” Perez, 20-anyos, nagsisilbing bilang regional communication staff ng KR-NCBS.

Ang dalawang CPP-NPA officials ay may mga kasong murder mula sa warrant of arrest na inisyu ni Regional Trial Court (RTC) 60 Cadiz City Executive Judge Hon. Renato Muñoz habang si Perez ay nahaharap sa kasong illegal possesion of firearms.

Sa pag-aresto sa mga ito, nakuha ang:

  • 3 .45-caliber pistols
  • 3 magazines of .45-caliber pistol
  • 15 pieces of live ammunition
  • 3 hand grenades

Ayon kay 2nd Infantry Division Commanding General Major Rhoderick Parayno. Sa ngayon, anim na ang naaresto mula sa 23 wanted na CPP-NPA-NDF officers.

Si Fernandez ang ikaanim na opisyal ng rebeldeng grupo na naaresto mula ng tuluyang ibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines.