in

Leni Robredo, umaasang makakalaya at malilinis ang pangalan Leila de Lima sa kasong may kinalaman sa droga

Umaasa si Vice President Leni Robredo na tuluyan ng mapapawalang sala ang nakakulong na si Senator Leila de Lima mula sa kanyang kasong may kinalaman sa iligal na droga sa New Bilibid Prison.

Nanindigan si Robredo na walang basehan ang mga paratang laban kay De Lima.

Ayon kay Robredo, hindi lang si De Lima ang inagawan ng karapatan dahil pati ang taong bayan ay naapektuhan sa pagkakakulong nito.

Halos hindi na raw kasi nagampanan ni De Lima ang kanyang serbisyo sa publiko bilang mambabatas.

“Sana finally madesisyunan na ang kaso kasi alam naman natin na baseless. Na-deprive hindi lang si Sen. De Lima pero ‘yung taumbayan ng serbisyo kasi elected senator siya,” ani Robredo.

Matatandaan na naakusahan si De Lima ng conviction sa national penitentiary dahil sa illegal drug trade.

Itinaggi naman ito ng De Lima at napiit sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame noong February 2017.

Kung mahahatulan ng guilty si De Lima, mahaharap siya sa habambuhay na pagkakakulong.

WATCH: Nais ni Leni Robredo na madesisyunan na ang drug charges na hinaharap ni Leila de Lima dahil naaapektuhan din ang taumbayan na dapat pinagsisilbihan ng opisyal.