fbpx

Isang high school teacher, arestado matapos umanong gahasain ang 17-anyos na estudyante



Arestado ang isang guro ng Science and Research sa San Juan City National High School dahil sa umano’y panggagahasa sa kanyang 17-anyos na estudyante.

Kinilala ang suspek na si Zamir Danipog Laud, 27-anyos, na naaresto sa Barcelona Street, Brgy. Sta Lucia, San Juan City.

Si Laud ay may standing warrant of arrest sa kasong panggagahasa mula sa San Juan City Regional Trial Court (RTC) Branch 14-FC na inisyu ni Judge Mary Catherine Noblejas-Garcia.

Ayon sa pulisya, nangyari ang krimen noong nakaraang taon nang papuntahin ng guro ang 17-anyos na biktima sa kaniyang boarding house para umano’y magpatulong sa paglilipat ng gamit sa bagong uupahang unit.

Habang nag-uusap umano ang mga ito nagsimula nang mag-take advantage ang guro at kalaunan ay ginahasa na ang dalagitang estudyante.

Dalawang araw matapos ang insidente, nagsumbong ang biktima sa ibang guro nito kaya na-ireport sa mga pulis ang krimen.

READ:  Kauna-unahang gulong na pagmamay-ari ng mga magsasaka na Pilipinas Agila Tires, ibinida ng gobyerno

Ayon kay P/Col. Ariel Fulo, hepe ng San Juan City Police, ang pagkakadakip sa suspek ay dahil sa tulong ng mga kasamahan nito.

Itinanggi naman ni Laud ang krimeng inaakusa sa kanya ngunit ayon sa medico-legal officer ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory Office, positibong ginahasa ang dalaga.

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal sa San Juan City Police Custodial facility ang suspek at walang inirekomendang piyansa sa pansamantala nitong kalayaan.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment