fbpx
≡ Menu

Pangulong Duterte, pirmado na ang P3.757-T national budget; P95.3-B illegal realignments na-veto

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3.757 trillion national budget.

Ito ang kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III.

Sa mensahe ni Sotto, sinabi nito na kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pirmado na ng Pangulo ang General Approproations Act for 2019, o ang Republic Act No. 11260.

Samantala, sinabi rin ni Sotto na-veto o ibinasura ang P95.3 billion na budget items na karamiha’y illegal realignments.

Ito ay dahil hindi bahagi ang nasabing realignments sa mga “priority projects” ng Pangulo.

Matapos ang apat na buwan na nasa ilalim ng reenacted budget ang bansa ay iiral na ang national budget at tiyak na masisimulan ang mga proyekto ng administrasyon partikular na ang nasa ilalim ng “Build, Build, Build” Program.