fbpx
≡ Menu

P1.2-M na ayuda ibinigay ng Filipino-Chinese businessmen sa Recto Bank 22

P1.2-M na ayuda ibinigay ng Filipino-Chinese businessmen sa Recto Bank 22

Nagbigay ng ayuda ang Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Incorporated (FFCCCII) sa tinaguriang “Recto Bank 22” o 22 na biktima ng insidente ng umano’y hit and run sa West Philippine Sea (WPS).

Halagang P1.2 million ang ibinigay ng FFCCCII para maipagawa ng mga mangingisda ang nasira nilang bangka na F/B Gem-Vir 1.

Bukod dito, nagbigay ng 50 sako ng bigas at halagang 250,000 livelihood assistance ang FFCCCII sa mga mangingisda na nawalan ng hanapbuhay nang masira ang kanilang bangka.

Ayon kay Dr. Henry Lim Bon Liong, presidente ng FFCCCII, ang nasabing tulong ay bilang tugon sa ilalim ng mandato ng grupo sa kanilang socio economic intervention sa bansa.

“Kami sa FFCCCI ay magbibigay ng 1,200,000 milyong piso para sa kumpletong rehabilitasyon ng kanilang nasiraang bangkang pangisda, at mabibigay din kami ng donasyon na halagang 350,000 piso bilang tulong naman sa kabuhayan ng 22 na fisherman,” saad ng grupo.

“Walang strings attached ito. Baka akala niyo may strings attached ha? No strings attached ito. Kaya walang kulay ito ha, kusang loob ng mga nasa Federation,” dagdag niya.

Personal na tinanggap ni Felix dela Torre, ang may-ari ng F/B Gem-Ver 1 ang tseke habang tinanggap naman ng mga kinatawan ng Recto Bank 22 ang 250,000 pesos na tulong pinansiyal.

“Kaming 22 mangingisda ay nagpapasalamat sa FFCCCII para sa inyong tulong sa amin at sa aming mga pamilya. Ang krisis na ito ay talagang nakakaapekto sa aming pangaraw-araw na kabuhayan at sa aming kinabukasan,” sabi ni Junel Insigne.

Maliban dito, magdo-donate din ang FFCCCII ng dalawang pampublikong paaralan mula sa kanilang pambasang proyektong pangkawang-gawa na ‘Operation Barrio School” para sa bayan ng San Jose, lalawigan ng Ocidental Mindoro sa pamamagitan ng kanilang local chapter na Mindoro Filipino Chinese Chamber of Commerce.

Nauna ng nakatanggap ang Recto Bank 22 ng tulong pinansiyal at pangkabuhayan mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa ilalim ng Department of Agriculture (DA).