Pangulong Duterte, hinikayat ang mga Pinoy na mamasyal sa buong bansa; lokal na turismo, pasiglahin sa gitna ng virus outbreak

Pangulong Duterte, hinikayat ang mga Pinoy na mamasyal sa buong bansa; lokal na turismo, pasiglahin sa gitna ng virus outbreak

Sa kabila ng pagkabahala ng publiko sa posibleng paglaganap ng 2019 novel coronavirus disease (COVID-19) sa ating bansa, hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ating mga kababayan na maglibot sa ating mga sikat na pasyalan.

Ginawa ng Pangulo ang panawagan kasabay ng pagtiyak na nananatiling ligtas ang magbiyahe sa mga magagandang tanawin sa bansa.

Pahayag ng Pangulo sa isang video message na ibinahagi ng Radio Television Malacañang (RTVM) noong Pebrero 14: “To my fellow Filipinos, I encourage you to travel with me around the Philippines. I assure you that everything is safe in our country, be it an issue of health, be it an issue of law and order, and be it an issue of accessibility.”

Sa kabila ng banta ng virus, sinabihan ni Pangulong Duterte ang mga mahilig magbiyahe at mamasyal na mga Pinoy na huwag mangamba dahil ang mga airlines, hotels, at maging mga resorts ay pumayag na magbaba ng kanilang rates sa mga susunod na buwan.

Anang Pangulo, “They have agreed to lower the rates so that we can be a viable market for the Philippines. Come with me and be my travel companion. I’ll be traveling around the Philippines. Let’s travel around the country. Let’s first visit the places here. Long live, Filipinos! Long live, Philippine tourism!”

Samantala, sa ginanap na Laging Handa press briefing, sinabi naman ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang iniimbitahan niya ang mga Pinoy na bumisita sa ating mga nakatagong likas-yaman.

Paanyaya ni Nograles, “We invite everyone to explore the ‘hidden gems’ in the Philippines and to discover places you’ve never been to in our country’s 7,641 islands.”

Binanggit din niya na posibleng malugi ang pamahalaan dahil sa paghina ng transportation industry ng halos PHP42.9 bilyon mula Enero hanggang Abril dahil sa banta ng COVID-19.

Gayunpaman, tiniyak ni Nograles na handa ang pamahalaan na tugunan ang epekto ng bagong coronavirus sa ating ekonomiya sa pamamagitan ng lokal na turismo.

Aniya, “If, however, our partners in the tourism sector and other sectors continue to be adversely affected, there are available government lending programs offered by (Land Bank of the Philippines) and the Development Bank of the Philippines (DBP).”

Source: Balita Central, Philippine News Agency